Hindi dapat na mag-panic at ma-stress ang mga buntis sa Pilipinas dahil sa ulat na isang Amerikanang turista ang nagpositibo sa Zika virus makaraang bumisita sa Pilipinas noong Enero.

Ayon kay Health Spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, hindi naman lahat ng buntis na tinatamaan ng Zika virus ay maaaring magkaroon ng anak na may microcephaly.

Aminadong may posibilidad na magka-microcephaly ang sanggol ng buntis na tinamaan ng Zika, nilinaw ni Suy na mababa lamang ang probability nito.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Suy ang mga buntis na maging mas maingat at mas responsable sa kanilang sarili at sa kanilang ipinagbubuntis.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Kung may nararamdaman ka, lalo na kung buntis ka, magpatingin agad sa doktor,” sabi ni Suy.

Kinumpirma ng DoH nitong Linggo na isang Amerikana, na dumating sa bansa noong Enero at nanatili ng isang buwan sa bansa, ang nakumpirmang may Zika virus, bagamat hindi naman ito buntis. (Mary Ann Santiago)