SAN SALVADOR, El Salvador (AP) – Pinaiimbestigahan ng supreme court ng El Salvador nitong Lunes si dating President Tony Saca sa diumano’y illicit enrichment habang nasa puwesto mula 2004 hanggang 2009.

Iniutos din ng korte na i-freeze ang limang bank account na itinuturong kay Saca at sa asawa nito, at temporary seizure sa ilang ari-ari ng ex-president. Sinasabing hindi nilinaw ni Saca kung saan nanggaling ang $5 million sa $6.5 million assets na kanyang natamo sa panahong siya ay nasa puwesto.

Iniimbestigahan din sa illicit enrichment si dating President Mauricio Funes na pumalit kay Saca. Habang nakatakdang litisin si dating President Francisco Flores sa diumano’y diversion ng milyun-milyong dolyar na earthquake aid sa partido nito bago siya namatay noong Enero dahil sa cerebral hemorrhage.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina