LINGAYEN, Pangasinan – Maliban sa Luzon Leg, kumpirmado na muli ang pagsasagawa ng grassroots sports development program ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) para sa kabataang atleta edad 15-anyos pababa na Philippine National Youth Games (PNYG) – Batang Pinoy.

Ito ang inihayag mismo ni PSC Commissioner-In-Charge at Batang Pinoy Project Director Atty. Jose Luis Gomez bago pa man isagawa rito ang national at elite development program na Philippine National Games (PNG) National Championships sa Don Narciso Ramos Sports Center.

“Even though it’s election year we are totally grateful to the City of Ormoc which will be hosting the Batang Pinoy Visayas Leg,” sabi ni Gomez.

Isasagawa naman sa Surigao City ang ikalawang leg para sa Mindanao habang hinihintay pa ang kumpirmasyon matapos lamang ang eleksiyon alinman sa Tuguegarao, Cagayan o sa Batangas para sa pagsasagawa ng ikatlo at huling qualifying stage na Luzon Leg.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Gaganapin naman sa kauna-unahang pagkakataon ang National Finals ng Batang Pinoy sa Metro Manila.

Kumpirmado na rin ang pagsabak ng delegasyon ng Pilipinas para sa World International Sports Festival sa Russia kung saan makakasama sa delegasyon ang mga tinanghal na kampeon mula sa isinagawa na Batang Pinoy national finals sa Cebu City. (Angie Oredo)