Natagpuan ng mga magsisimba ang isang 65-anyos na taxi driver na wala nang pulso sa loob ng kanyang sasakyan sa tapat ng Mount Carmel Church sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Eriberto Merano, driver ng Babche Transport taxi, at residente ng Mariano Street, Sta. Mesa, Manila.

Wala nang pulso nang madiskubre ng mga magsisimba si Merano sa loob ng kanyang taxi (TQK-799) dakong 7:00 ng umaga kahapon.

Nakasalampak umano ang katawan ni Merano sa manibela ng sasakyan nang mapansin siya ng mga churchgoer.

National

Giit ni Romualdez: ‘AKAP’ tugon daw ng gobyerno sa pagtaas ng presyo ng bilihin

Ayon sa mga imbestigador ng Scene of the Crime Operations (SOCO), wala silang nakitang sugat sa ano mang bahagi ng katawan ni Merano, kaya suspetsa nila ay atake sa puso ang posibleng ikinamatay ng biktima.

Agad na dinala ang labi ni Merano sa Pacheco Funeral Homes upang sumailalim sa awtopsiya, ayon sa QCPD. - Vanne Elaine P. Terrazola