Binuksan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga estudyante sa kolehiyo at sa out-of-school youth ang summer government internship program (GIP) ng kagawaran upang makatulong sa pag-aaral ng mga ito.

Ayon kay Public Works Secretary Rogelio Singson tatanggap ang DPWH Head Office ng isa pang batch ng 50 intern upang matuto at magkaroon ng karanasan sa trabaho sa gobyerno ngayong summer, na may arawang sahod na 75 porsiyento ng minimum wage sa National Capital Region (NCR).

Ilan sa mga kinakailangan upang makapasok sa programa ay ang mga estudyante sa kolehiyo o out-of-school youth na nasa second year college, unang beses na makikilahok sa GIP ng DPWH, nasa edad 18-23, at computer literate.

Ang mga interesado pinagsusumite ng isang kopya ng birth certificate, bio data o personal data sheet, at dalawang 1x1 ID picture sa DPWH Capacity Development Division, Human Resource at Administrative Service sa 5th Floor, DPWH Head Office Building, Bonifacio Drive, Port Area, Manila.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Hanggang sa Marso 15 lang tatanggapin ang mga aplikasyon.

Isang written examination ang isasagawa para sa pagpili ng 50 magtatrabaho sa DPWH sa loob ng dalawang buwan, simula sa Abril 6, 2016. (Mina Navarro)