Umapela si Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Party-list Rep. Nicanor “Nick” Briones kay Pangulong Aquino na resolbahin ang umano’y laganap na technical smuggling ng karne ng baboy, manok at iba pang produktong agrikultura sa bansa.

Sa dalawang-pahinang “position paper” na ipinarating ni Briones sa Pangulo, kina Agriculture Secretary Proceso Alcala at Finance Secretary Cesar Purisima, ipinaliwanag niya na dumaranas ngayon ng matinding pagkalugi ang livestock at poultry industry at ang mga magsasaka dahil sa epekto ng technical smuggling.

Marami na aniyang backyard raiser ang nagsara dahil sa napakababang farm gate price na umaabot na lang sa P90-P95, na dahilan ng pagkalugi ng mga magbababoy ng may P2 bilyon kada buwan.

Nasa P8 bilyon din, aniya, ang nawawalang buwis sa gobyerno dahil naipapasok sa bansa ang mga karneng baboy sa pamamagitan ng misdeclaration sa mga pantalan.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Isinumbong din ni Briones ang pagpapatuloy ng “tara system” sa aduana na umaabot, aniya, sa P120,000 hanggang P150,000 kada container van para payagang mailabas ng mga frozen meat na hindi na idinadaan sa inspeksiyon ng Bureau of Customs (BoC)

Upang matigil na ang technical smuggling ng agri products, iminungkahi ni Briones na tiyaking 100 porsiyento na maiinspeksiyon ang lahat ng importasyon na idinedeklarang offals, fats, skin at rind at gawing prioridad na siyasatin ang pag-angkat ng “Top 10” meat importer, na una nang natukoy ng awtoridad. - Mary Ann Santiago