Nanawagan si vice presidential bet Senator Antonio Trillanes IV sa gobyerno na tutukan ang umano’y mga paglabag ng ilang opisyal ng Makati na kinasuhan ng pandarambong kaugnay ng konstruksiyon ng University of Makati-College of Nursing (UMak).

Tinukoy ni Trillanes sina Vice President Jejomar Binay, sinibak na Makati City Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay, UMak President Tomas Lopez, at ilan pang pribadong indibiduwal.

Idinawit ang mga naturang personalidad sa kasong pandarambong, malversation of public funds, at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Government Procurement Reform Act, dahil sa umano’y pagsasabwatan upang mailipat ang pondo ng unibersidad sa isang pribadong korporasyon.

Ang nasabing kaso ay una nang isinampa ni Atty. Renato Bondal sa Office of the Ombudsman, isa sa mga testigo sa imbestigasyon laban sa mga Binay sa Senado, na pinangunahan ni Trillanes.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ni Trillanes na natuklasan nila kung paano nilustay ng mga akusado ang pondo para sa UMak na nagkakahalaga ng P 547,420,499 at inilipat umano sa Philippine Healthcare Educators, Inc. (PHEI), isang pribadong kumpanya na umano’y pagmamay-ari ng ilan sa mga kinasuhan. - Leonel Abasola