May kabuuang 240 dance sports athlete ang makikiisa sa gaganaping DanceSport Council of the Philippines Inc. (DSCPI) 1st Quarter Ranking and Competition sa Marso 12, sa Philsports Multi-Purpose Arena sa Pasig City.

Ayon kay DSCPI President Becky Garcia, ang torneo ang ginagamit na pamantayan ng asosasyon para mapili ang mga atleta na isasabak sa iba’t ibang kompetisyon sa abroad.

Sa mga nagnanais na saksihan ang programa, mabibili ang ticket sa DanceSport Training Center, Philsports Complex, Meralco Avenue, Pasig City, gayundin sa mismong entrance gate ng Philsports Multi-Purpose Arena (Ultra).

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kina Anna at Lorien sa numerong 637- 2314.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Pangangasiwaan ang torneo ng anim na World DanceSport Federation licensed adjudicators tulad nina Sante Mandolini ng Italy, Markus Zunker ng Germany, Christian Bradbury ng Hong Kong, John Chong ng Malaysia, Roger Hou ng Taipei at Keiji Ukai ng Japan.

Binubuo naman nina Gloria Alcala, Joel Ocsena, Emmanuel Reyes at Ronnie Steeve Vergara ng local judges.

Patuloy ang ginagawang programa ng DSCPI Board of Directors na binubuo nina Atty. Noel Laman – Chairman, Atty. Andy Fornier – Secretary General, Ms. Emma Nieto – Asst. SecGen and Sports Director, Gloria Alcala – Treasurer and Directors Ms. Marvie Cojuangco-Yulo, Ambassador Antonio Lagdameo, Mr. Edward Hayco, Ms. Chona Mercado, Ms. Nanette Mendoza, Ms. Rebecca Jose, Mr. Manuel Yan, Ms. Marge Vitug, Mr. Girme Gutierrez at Mr. Luis Morales.