Sugatan ang isang tauhan ng Philippine National Police (PNP) matapos mahagip ng isang humahataw na kotse ang minamaneho niyang motorsiklo sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Agad na nasaklolohan ng Quezon City Department of Public Order and Safety (QC-DPOS) Rescue Team si PO1 Jerico B. Balancio, 23, ng Quezon City Police District – Public Safety Battalion, at nakatira sa Jacinto Street, West Rembo, Makati City.

Iniimbestigahan na rin ng QCPD Traffic Sector 6 ang driver ng Isuzu Altera (BCX-983) na si Enrique Artap y Pio, 39, ng Centro East, Ballesteros, Cagayan.

Sa imbestigasyon ni PO2 Antonio Tabios, nangyari ang aksidente dakong 6:20 ng umaga sa Congressional Avenue Extension sa Barangay Culiat, Quezon City.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sakay ang biktima sa kanyang Suzuki motorcycle na walang plaka nang mahagip siya ng Isuzu Alterra ni Artap nang bigla umanong pumaling ang huli sa isang U-turn slot sa Congressional Avenue.

Bagamat tumilapon nang ilang metro ang pulis mula sa kanyang motorsiklo, lumitaw sa imbestigasyon na nagtamo lang ito ng mga sugat at galos sa katawan at agad na naisugod ng rescue personnel sa malapit na pagamutan. - Jun Fabon