Nabigo  ang dalawang Pilipino na makasungkit ng regional titles matapos matalo sina one-time world title challenger John Mark Apolinario at Romel Oliveros sa magkahiway na laban sa Tasmania, Australia at Tokyo Japan, kamakalawa ng gabi.

Nabigo si Apolinario na masungkit ang WBA Oceania featherweight title matapos siyang talunin sa loob ng 12 round ng walang talong si Australian champion Luke Jackson sa sagupaang ginanap sa City Hall, Hobart, Tasmania.

Napaganda ni Jackson ang kanyang boxing record sa perpektong 11 panalo, lima sa pamamagitan ng knockout, samantalang bumagsak ang kartada ni Apolinario sa 19-6-3.

Napatigil naman ng knockout artist na si Daigo si Oliveros kaya napanatili ang WBC Youth flyweight crown sa ikalawang pagkakataon sa sagupaang ginanap sa pamosong Korakuen Hall sa Tokyo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Unang naidepensa ni Higa ang kanyang titulo laban sa Pilipino ring si Renren Tesorio kaya napaganda ang kanyang record sa perpektong siyam na panalo. - Gilbert Espeña