Global_Port_01_Dungo,jr_251215

Rumagasa ang opensa ng Blackwater Elite sa final period para lunurin ang Globalport Batang Pier, 115-103, kahapon sa PBA Commissioner’s Cup elimination, sa Smart-Araneta Coliseum.

Bumulusok ang Elite sa 15-0 scoring run sa loob ng apat na minuto para ilayo ang dikitang laban tungo sa dominanteng panalo na nagpaangat sa Blackwater mula sa five-team tie sa sosyong ikatlong puwesto tangan ang 3-3 karta.

Hataw si Mike Cortez sa 22 puntos at pitong assists para pangunahan ang Blackwater, ngunit ang ratsada ni Arthur dela Cruz sa matikas na scoring run ang nagpalawig sa bentahe ng Elite na nabigong mahabol ng Batang Pier.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Mula sa 98-91 na bentahe, naisalpak ni Dela Cruz ang magkasunod na basket para paliyabin ang mainit na opensa ng Elite tungo sa 15-0 run at mailayo ang iskor sa 111-91 tungo sa huling dalawang minuto ng laro.

“We played good defence down the stretch and it makes a big difference. Our shooting is good and we control the tempo of the game,” pahayag ni Cortez.

Bagsak naman ang Globalport sa 2-4 marka.