Patuloy pa rin ang “word war” sa pagitan ng kampo nina Vice President Jejomar Binay at Ombudsman Conchita Carpio-Morales kaugnay ng umano’y anomalya sa pagpapatayo sa Makati City Hall Building 2.

Ito ay matapos na paratangan ng Office of the Ombudsman si Binay na umano’y umapela sa isang opisyal ng Commission on Audit (CoA) para i-delay ang pagpapalabas ng special audit report sa umano’y overpriced na konstruksiyon ng Makati City Hall Building 2 hanggang hindi pa natatapos ang eleksiyon sa Mayo 9.

‘SHE SAID’

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Sa pahayag ng Ombudsman, mismong ang CoA ang nagbigay ng abiso sa kanilang tanggapan na “nakahanda na ang audit report upang ipadala sa kanila (anti-graft agency).”

“The press release from UNA is a lie. It was the CoA that advised the Office of the Ombudsman months ago that the report was ready and that a copy will be transmitted to the Office by the end of January 2016,” ayon sa Ombudsman.

Tinukoy din ng Ombudsman ang isang “reliable source” na nagsabi sa kanila na “nagmakaawa si Binay sa isang hindi pinangalanang opisyal ng CoA” na huwag munang isapubliko ang special audit report.

Paliwanag ng Ombudsman, hindi pa rin naisusumite sa kanila ang naturang papeles sa kabila ng pangako ng CoA na ibibigay ito sa huling bahagi ng Enero.

Dahil dito, muling nagpalabas ng abiso ang CoA, at binanggit na sa Pebrero 22 na lang isusumite sa Ombudsman ang dokumento na hindi na naman natupad.

Sinabi ng Ombudsman na tiniyak na naman umano ng CoA na isusumite nito sa anti-graft agency ang report sa Marso 2, ngunit hindi pa rin natupad.

Nauna nang pinaratangan ng kampo ni Binay si Morales na pini-pressure umano ang CoA upang mailabas na ang audit report kahit na hindi pa ito kumpleto.

‘HE SAID’

Ayon kay United Nationalist Alliance (UNA) President Toby Tiangco, nakakuha ng impormasyon ang partido mula sa kanilang mga insider sa CoA na nagsasabing personal umanong tumawag si Morales sa isang mataas na opisyal ng CoA bago ito bumiyahe abroad at umano’y nakiusap na ilabas agad ang audit report.

“We have been informed that the Ombudsman has been personally calling up CoA officials telling them to transmit to her office its special audit report on Makati Building 2 even if the report does not include the replies or comments of City Hall officials,” ani Tiangco.

Aniya, nais ng Office of the Ombudsman na “ibasura na ang findings ng 11 audit report”, kabilang na ang isang isinagawa umano ng mga technical specialist na nakasaad na walang overpricing at tumalima sa mga regulasyon ng CoA ang naturang proyekto.

“It will also be in direct contravention of COA resolution 2015-033 dated Sept. 29, 2015 prohibiting the conduct of special audit against candidates of the 2016 elections. The Ombudsman represents an administration that has a track record of flouting the law and the Constitution in bringing down its political enemies while ignoring, aiding and abetting unlawful acts of its partymates and allies,” ani Tiangco. (ROMMEL P. TABBAD)