RAGAY, Camarines Sur – Matinding perhuwisyo ang inaasahan ng mga residente, partikular ng mga residente, sa pagguho ng isang lumang tulay ng Philippine National Railways (PNR) na nag-uugnay sa mga barangay ng Cale at Abad sa bayang ito.

Ayon sa mga residente, dakong 4:30 ng umaga nitong Sabado nang makarinig sila ng dagundong na gaya ng sa lindol, at labis ang kanilang pagkabigla nang makumpirmang gumuho ang nasabing tulay.

Bumigay ang nasabing tulay dahil sa pagdausdos ng lupa, bukod pa sa mahina na rin ang pundasyon nito, ayon sa mga residente.

Nananawagan sa gobyerno na agad aksiyunan ang insidente, inaasahang labis na maaapektuhan ang kabuhayan at araw-araw na aktibidad ng mga residente sa dalawang barangay, partikular na ang namamasada ng tinatawag na “skate” na nagtatawid sa mga pasahero.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi naman ni Alex Loremia, miyembro ng Barangay Police, na naipaalam na nila sa pamunuan ng PNR ang pagguho ng tulay.

Aniya, agad na kukumpunihin ng PNR ang bumigay na tulay, na huling kinumpuni noong Mayo 1980 ng isang contractor mula sa Seoul, South Korea. (Ruel Saldico)