MAPAPANOOD na ang Hanggang Makita Kang Muli sa GMA Afternoon Prime simula ngayong hapon pagkatapos ng Wish I May.

Tampok sa highly intriguing family drama ang kamangha-manghang buhay ng isang feral child na nabuhay na isolated sa mga tao simula sa kanyang murang gulang at hindi nakaranas ng pag-aalaga ng tao, walang natutuhang maayos na pag-uugali o kilos at salita.

Mapapanood sa orihinal na seryeng ito ang napakasakit na bunga ng kawalan ng kaugnayan sa sangkatauhan sa pisikal man o emosyonal na aspeto.

Bida sa Hanggang Makita Kang Muli ang much anticipated team up nina Bea Binene at Derrick Monasterio.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Gumaganap si Bea sa kanyang pinakamapanghamong papel bilang si Ana Medrano, ang feral child na ikinulong sa madilim na kuwarto sa loob ng napakatagal na panahon. Gagampanan naman ni Derrick ang karakter ni Calvin Manahan, ang maawaing psychology student na nakatagpo kay Ana sa pusod ng kagubatan nang mag-hiking sila ng kanyang matalik na kaibigan.

Gaganap bilang ina ni Ana si Angelika dela Cruz (Evelyn, isang sikat na psychiatrist) na hindi mapatawad ang kanyang arkitektong asawang si Larry Medrano (Raymart Santiago) sa pagkawala niya at hahantong ito sa kanilang hiwalayan.

Si Ina Feleo naman ay gaganap bilang si Odessa, ang obsessive admirer ni Larry at kidnapper ng kanyang anak. Socialite girlfriend na si Felicity naman ang papel ni Kim Rodriguez. Si Rita Avila ay si Glenda Manahan, ang ina ni Calvin at best friend ni Evelyn. Si Ramon Christopher ang gaganap bilang si Mateo Manahan, ama ni Calvin na matulungin sa mahihirap. Gagampanan naman ni Luz Valdez ang role ni Conching, ang sakiting tiyahin ni Odessa na nakaaalam sa lahat ng mga lihim ng kanyang pamangkin. Si Shyr Valdez si Helen, ang nakatatandang kapatid na confidant ni Evelyn. Role ni Dominic ang papel ni Marco Alcaraz, ang colleague at kaibigan ni Larry na nakaaalam sa affair nila ni Odessa at si Jak Roberto bilang si Elmo, ang best friend ni Calvin na may lihim na paghanga kay Felicity.

Samantala, ang babaeng iniligtas nila sa pagpapakamatay ay nagdiwang sa binabalak na pagdukot kay Ana. Hangad ni Ana na wasakin ang pamilya ni Larry upang makuha ang atensiyon nito. Ikinulong niya si Ana sa isang kamalig at binibigyan ito ng pagkain paminsan-minsan. Makakatakas si Ana at matatagpuan siya ni Calvin.

Paano makakapamuhay si Ana sa mundo na bago sa kanya? Makakauwi kaya siya sa kanyang pamilya at muling mayayakap ang kanyang mga magulang?

Ayon kay Laurice Guillen, ang direktor ng Hanggang Makita Kang Muli, tiyak na magiging interesado ang mga manonood sa istorya nila dahil ngayon pa lamang tatalakayin sa TV ang kasi ng isang feral child.

“This will be the first time we will see on Philippine television a feral character -- a human who grows up with the traits of an animal after years of captivity with only a dog as company, and her journey back to human life. Is it still possible? Is love enough to undo the scars of hatred and cruelty? Can the feral child live with humans once again? Will she find love again?” sabi ni Direk Laurice.

Binuo ang kuwento ng Hanggang Makita Kang Muli ng creative team sa pangunguna ng Creative Director na si Roy Iglesias kasama sina Dode Cruz, Wiro Michael Ladera, Cristine Novicio, Mikee Ladera, Roda Marino, Ronalyn Sales, Rodney Junio, Jesse Villabrile, at Patrick Louie Ilagan.

Ito ay bagong original creation ng GMA Drama group sa ilalim ng supervision nina Senior Vice President for Entertainment TV Lilybeth G. Rasonable; Vice President for Drama Redgie Acuña-Magno; Assistant Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy; Program Manager Camille Hermoso Hafezan, at Executive Producer Rebya Upalda.