PINANGUNAHAN ng matagumpay at makasaysayang unang bahagi ng PiliPinas Debates 2016 na inihatid ng GMA Network ang nationwide ratings nang live itong umere mula sa Cagayan de Oro City noong ika-21 ng Pebrero. Ito ay base sa datos ng service provider na Nielsen TV Audience Measurement.

Ang live coverage ng debate na inorganisa ng Commission on Elections (COMELEC), GMA, at ng Philippine Daily Inquirer (PDI) ay nakapagtala ng 24.8 percent household rating (base sa overnight data) sa NUTAM (National Urban Television Audience Measurement), at ng tumatagingting na 30.5 percent sa Urban Mindanao, kung saan ito may pinakamataas na rating sa lahat ng areas.

 

Ang PiliPinas Debates 2016 din ang naging highest rating Kapuso program sa NUTAM at Urban Luzon sa kabuuan ng Pebrero, habang kabilang ito sa top 30 na listahan sa Mega Manila, Urban Visayas, at Urban Mindanao.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

 

Kumpara sa pinakamahigpit nitong kompetisyon, mas marami ring programa ng GMA ang nakapasok sa hanay ng top rating programs sa Urban Luzon at Mega Manila sa nasabing buwan.

 

Bukod sa nasabing debate, may iba pang Kapuso shows na tumatak sa mga manonood noong nakaraang buwan, kasama ang kalulunsad pa lamang na Lip Sync Battle Philippines, na may pinakamataas na rating sa lahat ng Kapuso programs sa Mega Manila, gayon din ang Pepito Manaloto, Magpakailanman, Kapuso Mo, Jessica Soho, at 24 Oras.

 

Wagi rin ang Eat Bulaga, Little Nanay, Ismol Family, That’s My Amboy, Sunday Pinasaya, 24 Oras Weekend, Because of You, Vampire Ang Daddy Ko, Wanted: President, IMBG 20 I Am Bubble Gang, ang kalulunsad din lamang na Dear Uge, Celebrity Bluff, at Wowowin.

 

Samantala, nanatiling malakas ang GMA sa viewer-rich area ng Urban Luzon at Mega Manila noong Pebrero, kung saan namayagpag ito sa lahat ng dayparts. Ang Urban Luzon ay kumakatawan sa 77 percent ng kabuuang urban TV households sa bansa, habang tumaas naman ang population share ng Mega Manila sa 60 percent simula January 2016.

 

Mula Pebrero 1 hanggang 29 (base sa overnight data ang February 21 to 29), nanguna ang GMA sa Urban Luzon dahil sa naitala nitong 40.1 percent na mas mataas sa 33 percent ng ABS-CBN at sa 7 percent ng TV5.

Hindi pa rin natitinag ang GMA sa Mega Manila, kung saan nakakuha ito ng 41.7 percent, daig ang 30.2 percent ng ABS-CBN at 7.4 percent ng TV5.

 

Number one rin ang GMA sa lahat ng national urban viewers tuwing daytime. Sa morning block, 33 percent ang naitalang household share ng GMA kumpara sa 32.5 percent ng ABS-CBN at 10.6 percent ng TV5. Nanguna rin ang GMA sa afternoon block matapos nitong makakuha ng 38.9 percent na mas mataas sa 35.7 percent ng ABS-CBN at 7.1 percent ng TV5.