Inaresto ng militar ang dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos maaktuhan umanong nagtatanim ng bomba sa gilid ng kalsada sa Mabini, Compostela Valley.

Sinabi ni Capt. Rhyan B. Batchar, public affairs officer ng 10th Infantry Division ng Philippine Army, na naaresto sina Ronie Consolacion Mimi, 23; at Sonny Mimi, 22, habang naglalagay ng improvised explosive device (IED) sa kalsada ng Purok 3 sa Barangay Golden Valley sa Mabini, dakong 9:30 ng umaga nitong Sabado.

Ayon kay Batchar, magpinsan ang mga nadakip at kapwa resident eng Sitio Palali, Bgy. Golden Valley.

Nauna rito, nasugatan ang lima sa nagpapatrulyang tauhan ng peace and development team (PDT) ng 46th Infantry Battalion matapos masabugan ng bomba sa Sitio Logdeck at Sitio Candinuyan sa Bgy. Golden Valley, dakong 12:45 ng umaga nang araw na iyon.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Naniniwala ang militar na ang dalawang nadakip ay bahagi ng grupo ng NPA na umatake sa mga tauhan ng 46th Infantry Battalion.

Nakumpiska rin mula sa mga naaresto ang tatlo pang IED. (Elena L. Aben)