MALVAR, Batangas – Nalaglag sa bitag ng awtoridad ang isang wanted sa kasong pagpatay sa Camarines Norte matapos siyang maaresto sa Malvar, Batangas.

Makalipas ang 18 taong pagtatago sa batas, naaresto na nitong Sabado si Jovito Cribe, 43, tubong Labo, Camarines Norte, at nakatira sa Barangay Poblacion, Malvar.

Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 11:00 ng umaga noong Marso 5 nang arestuhin si Cribe, sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Amaro Meteoro, ng RTC 5th Judicial Region Branch 64 sa Camarines Norte, na may petsang Marso 30, 1998.

Si Cribe ang suspek sa pagpatay sa isang Marcial Rigodon sa Bgy. Bagacay, Labo, Camarines Norte, noong Setyembre 22, 1997. (Lyka Manalo)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente