Kahit na lagi siyang kulelat sa mga pre-election survey kaugnay ng halalan sa Mayo 9, umaasa ang kandidato sa pagka-bise presidente na si Senator Antonio “Sonny’’ F. Trillanes IV na mananalo pa rin siya.

“Although I have said before that we still have two months to go, kaya pa. We have been in worse situation before,’’ ani Trillanes.

Sa huling resulta ng Pulse Asia survey, pukpukan ang labanan nina Senators Francis Escudero at Ferdinand R. Marcos, Jr. sa vice presidential derby sa nakuhang 29 percent at 26 percent, ayon sa pagkakasunod.

Nasa ikatlong puwesto si Camarines Sur Rep. Leni Robredo (19%), kasunod sina Senators Alan Peter S. Cayetano (12%), Trillanes (6%), at Gregorio “Gringo’’ B. Honasan II (4%).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Ibig sabihin nun, kailangan pa naming mapakilala at kumayod,’’ ani Trillanes.

Nagbalik-tanaw din si Trillanes noong 2007, nang makakuha siya ng one percent rating lamang noong 2007 senatorial race, ngunit sa huli ay nanalo siya kahit pa nakapiit siya sa Fort Bonifacio detention cell dahil sa kasong mutiny na isinampa sa kanya ng administrasyong Arroyo.

“We have a template of campaigning. It worked twice, so we’ll see to it will work again this 2016,’’ sabi ni Trillanes. (Mario B. Casayuran)