Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

6 n.g. -- Opening Ceremony

7 n.g. -- Kuys vs XJJ

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

8 n.g. -- Nike Park vs Ybalai Builders

Masasaksihan hindi lamang ang galing sa harap ng kamera at telebisyon ang grupo ng mga artista na lalahok sa kompetitibong kompetisyon sa isasagawang LGR Hoops Basketball Showcase Est. 2016 ngayong gabi sa San Juan Arena.

Mapapanood matapos lamang ang tradisyunal na opening ceremony sa ganap na alas-6 ng gabi ang Team Kuys na binubuo ng mga actor na sina Rayver Cruz, Jason Abalos, Marco Alcaraz, Zanjoe Marudo, Billy Crawford, Andrei Felix, Eric at Vhong Navarro sa pagsagupa nito sa Team XJJ.

Susundan ito ng paghaharap ng Team Nike Park at Ybalai Builders na binubuo naman ng mga dating propesyonal at amateur player sa bansa sa natatanging torneo na hangad na mapalawak ang programa sa sports.

Ang kompetisyon na inoorganisa ng LGR Athletics Wears, Inc. ay may dalawang kategorya. Ang Expert Division na para sa may taas na 6’4 and below at Novice Division na para sa mga manlalaro na may taas na 6’0 and below.

Maaaring maglaro sa Expert Division (6’4 and Below) ang mga dating UAAP, NCAA, ABL, PBL, MBA, LIGA Pilipinas at D-League player na huling nakapaglaro noong 2009.

Bawal naman maglaro sa Novice Division (6’0 and Below) ang mga dating pro, commercial at collegiate player.

Hangad ng LGR Hoops Basketball Showcase Est.2016 na mabigyan ng de-kalidad na torneo ang mga manlalaro upang maihanda sa kani-kanilang susunod na hakbangin na makatuntong sa malalaking liga simula sa high school tungo sa iba’t-ibang propesyonal na liga sa bansa.

Isasagawa ang mga laro kada Miyerkules, Sabado at Linggo simula sa Marso hanggang Mayo, 2016 na iikot sa mga lugar na Filoil Flying V Arena, Rizal Memorial Coliseum, Cloverleaf Basketball Court, Guadalupe Makati, Makati Coliseum at sa Dumlao Gym sa Mandaluyong. (Angie Oredo)