LEGAZPI CITY - Bibisita sa Philipinas si United Nations Deputy Secretary-General Jan Eliasson at dadalaw siya sa Albay para suriin ang mga premyadong programa ng lalawigan sa disaster risk reduction (DRR) at climate change adaptation (CCA).

Ang pagbisita ni Eliasson ay bahagi ng paghahanda para sa 2016 World Humanitarian Summit (WHS) sa Mayo 23-24 sa Istanbul, Turkey. Sa summit, ibabandila ang Pilipinas bilang pandaigdigang huwaran sa CCA-DRR, at ito ay nakatuon sa Albay.

Mismong si Gov. Joey Salceda ang magbibigay ng briefing kay Eliasson at sa iba pang mga opisyal ng UN tungkol sa mga programa ng lalawigan sa DRR-CCA.

Kasama ni Eliasson sina Haoliang Xu, assistant secretary-general ng United Nations Development Program, at assistant administrator/director ng Asia-Pacific Regional Bureau; Ola Almgren, UN Philippines resident coordinator; Titon Mitra, UNDP country director, Philippines; Mark Bidder, OCHA Head of Office, Philippines; Subinay Nandy, hepe ng Asia-Pacific Division; Rebecca Page, special assistant to the DSG; at Sophie Nuon, OCHA humanitarian affairs officer.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nagpasimula ng zero casualty goal at preemptive evacuation strategy sa DRR, si Salceda ang Senior Global Champion at tagapagsalita ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNISDR), na kumikilala sa Albay bilang Global Model.

Bibisitahin din ng mga opisyal ng UN ang Albay Climate Change Academy (ACCA) at ang Disaster Risk Reduction Management Training Institute (ACCA-DRRM TI) nito, na kauna-unahan sa Asia.