Magkatuwang ang Pilipinas at ang United Nations Development Programme (UNDP) sa paglatag ng mga kongkretong hakbang laban sa climate change sa pamamagitan ng bagong programa na magtitiyak na maisasama ang climate change issues, disaster risk reduction, at sustainable development sa mga development plan at programa ng pambansa at lokal na pamahalaan.

Nitong Marso 4, 2016, nilagdaan ng Climate Change Commission (CCC) at ng UNDP ang partnership agreement para sa “National Convergence Programme on Reducing Climate & Disaster Risks for a more Resilient and Sustainable Philippines”.

Ang programa, ipatutupad ng CCC sa tulong ng UNDP, ay naglalayong palakasin ang pambansang kakayahan upang matiyak na matatamo ng Pilipnas ang national climate change, disaster risk reduction, at sustainable development targets, na itinakda sa mga pandaigdigang kasunduan na kapartido ang Pilipinas nitong 2015 kabilang na ang UN Framework Convention on Climate Change Paris Agreement, Sendai Framework on Disaster Risk Reduction, at Agenda 2030 upang matamo ang Sustainable Development Goals. (Roy Mabasa)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'