Lady Gaga copy

NEW YORK (AFP) – Nag-alay ng isang makabagbag-damdaming performance si Lady Gaga para sa mga estudyante na biktima ng panggagahasa, katulad niya, sa pamamagitan ng awitin niyang Till It Happens To You sa gala awards. Hinikayat niya ang mga ito na samahan siya sa entablado.

“I was never such a wreck as I was the week before this performance,” sinabi ni Gaga sa New York radio station na Z100.

Kaugnay ng naranasan niyang pang-aabuso, sinabi ni Gaga na: “It’s the thing that I am the most ashamed of in my life and I have always felt that it was my fault until this week.”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Magdiriwang ng kanyang ika-30 kaarawan ngayong buwan, kamakailan lang inamin ni Gaga na ginahasa siya ng isang nakakatandang lalaki noong siya ay 19 anyos pa lamang.

“People don’t know this about me because I don’t share it, and I know they see me as this kind of celebrity that has success and money and the world watching and that I must have no problems.

“But I actually suffer from chronic pain all the time and it’s from this paralyzing fear that I’ve experienced for almost 10 years,” ani Gaga.

Sinabi ni Gaga, na ang tunay na pangalan ay Stefani Germanotta, na kinalimutan na niya ang nangyari ngunit ito “stays in your body, in your tissues.”

“So I feel physical pain, and there are a lot of people who suffer from chronic pain who have been through a traumatic experience,” aniya.

Ayon kay Gaga, may mga nakapareho siyang tattoo sa mga kabataan na biktima rin ng pang-aabuso, at mababasa sa kanilang mga braso ang mga katagang “Not At All Your Fault” at “Unbreakable.”

Nominado si Gaga sa Oscars para sa kanyang awitin na napakinggan sa The Hunting Ground, isang documentary film tungkol sa mga ginahasa sa mga eskuwelahan.