LEGAZPI CITY, Albay – Handa ang presidential candidate na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na isakripisyo ang kanyang buhay masawata lamang ang ilegal na droga sa bansa, sakaling mahalal siya bilang susunod na presidente ng Pilipinas.

Sa kanyang pagbisita sa Albay nitong Biyernes, nang mag-courtesy call siya kay Albay Governor at RDC Chairman Joey Salceda sa kanyang pagdalo sa Bicol Regional Development Council (RDC) Full Council Meeting sa siyudad na ito, sinabi ni Duterte na bukod sa pagsugpo sa kurapsiyon ay tututukan din niya ang pagsawata sa ilegal na droga kapag nahalal siyang presidente.

“If I say drugs must stop, I am willing, and I say I’m willing to lay down my life in honor even if I lose my Presidency,” sabi ni Duterte.

Sinabi niyang kapag naging regular na ang paggamit ng isang tao sa ilegal na droga ay naaapektuhan na ang utak nito, kaya naiisipan nitong gumawa ng krimen.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Pagka ako, ang sinabi kong ayoko, papatayin ko ‘yan (mga sangkot sa ilegal na droga). I will order the military and the police to go and hunt them down and kill them. Wala akong human rights. Ako ang bahala. ‘Pag dumating ang summon ng justice department, Ombudsman o (Commission on) Human Rights, sabihin n’yo na si Mayor Duterte man ang nag-utos.

Wala akong pakialam. Ako ang i-summon mo, ipakain ko ‘yan sa’ yo na summon paper na yan,” ani Duterte, idinagdag na hindi siya naniniwalang solusyon ang rehabilitasyon sa mga gumagamit ng ilegal na droga.

“There are 4 million, sabi ng PDEA, drug addicts in and out in the rehab. Alam n’yo the finding is that shabu, if constantly use, shrinks the brain of a person and therefore (rehabilitation) is no longer an option,” paliwanag ni Duterte. (NIÑO N. LUCES)