Tatlong koponan ng Colegio San Agustin (CSA)-Makati ang umabot sa kani-kanilang division finals sa 20th Women’s Volleyball League(WVL) kamakailan sa Xavier School gym.

Unang pumasok sa kampeonato ang CSA 13-and-Under Developmental squad makaraang magwagi sa Young Achiever’s School, 25-12, 25-20.

Naitakda ang pagtatapat nila sa finals ng Jubilee Christian School na nanaig naman kontra School of St. Anthony, 12-25, 27-25, 15-8.

Sumunod naman ang CSA13-and-under Competitive Division squad na nagposte ng 25-13, 25-14 ,panalo kontra Escuela de Sophia. Makakatunggali nila sa finals ang King’s Montessori na namayani naman kontra Holy Family School, 20-25, 25-16, 16-14.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Ang ikatlong CSA team na umusad sa finals ay ang kanilang 17-and-under Competitive Division squad na nagwagi kontra San Antonio de Padua College, 25-5, 25-15.

Makakaharap ng mga ito ang King’s Montessori School na nanalo naman sa San Pedro Relocation National High School, 25-17, 25-10.

Samantala, paglalabanan ang 17-and-Under Competitive crown ng Sisters of Mount Carmel Catholic School na nagtala ng 22-25, 25-23, 15-10 panalo laban sa San Antonio de Padua College; at ng St. Raphaela College na nagposte naman ng 20-25, 25-20, 15-10 panalo kontra sa St. Scholastica’s College-Manila.

Lahat ng championship matches ay magaganp ngayon sa San Beda College gym sa Mendiola. (Marivic Awitan)