Barbie copy

FRIENDSHIP goals ng mga nakakita sa picture na sama-sama sina Barbie Forteza, Louise delos Reyes, Joyce Ching at Bea Binene dahil hanggang ngayon, buo pa rin ang grupo nilang nagsimula sa youth-oriented show ng GMA-7 na Tweenhearts.

Nagkita-kita ang apat sa Runner’s Kitchen na kabilang sa may-ari sina Bianca King, Xander Angeles, Direk Rico Gutierrez atGlaiza de Castro. Kumain, nagkuwentuhan, nag-selfie at ipinost ng apat sa kani-kanyang Instagram (IG) account ang picture, at umani ng maraming likes at positive comments.

Natuwa siguro ang apat na nagbigay saya sa kanilang fans ang simpleng litrato na iba-iba ang caption nila.

KILALANIN: Bikolanang kakanta ng pambansang awit sa SONA 2024

Sabi ni Barbie: “Corny na kung corny pero na-miss ko talaga kayo. Kung alam n’yo lang kung gaano ako kasaya at nakasama ko kayo ulit.”

Sabi naman ni Joyce: “With the gels.”

Post ni Bea: “True friends are never apart. Maybe in distance, but never in heart.”

Si Louise, tinamad yatang mag-post ng comment dahil nilagyan na lang ng emoticon na heart ang picture nila.

Nakatutuwa rin na ‘pag may show ang isa sa kanila, tumutulong mag-promote ang bawat isa. Airing ang That’s My Amboy ni Barbie, patapos na ang Because of You ni Joyce at magsisimula sa Monday, ang Hanggang Makita Kang Muli ni Bea. Si Louise na lang ang wala pa uling soap. (Nitz Miralles)