Hindi umubra ang pagtatago sa batas ng isang lalaki na nanghalay sa sarili niyang anak matapos siyang maaresto sa kanyang hideout sa Quezon City, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang naaresto na si Alquin Fernandez, 36, nakatira sa Boni Serrano Street, Bayanihan, Quezon City.

Hindi na nakapalag ang suspek nang damputin ng mga police operative na armado ng arrest warrant, na inilabas ni Judge Efren Tienzo ng Urdaneta City Regional Trial Court Branch 49.

Sinabi ng pulisya na matagal nang wanted si Fernandez, hindi lang sa kasong rape kundi maging sa tatlong bilang ng child prostitution at sexual abuse dahil sa panggagahasa sa sarili niyang anak na isang menor de edad.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Kasalukuyang nakadetine ang suspek sa WSS detention facility sa Camp Karingal sa Quezon City.

(Vanne Elaine P. Terrazola)