ISULAN, Sultan Kudarat – Nabawi ng Philippine Army ang liblib na bahagi ng Sitio Balas sa Barangay Tee, Datu Salibo sa Maguindanao na maraming taon nang kinubkob ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sinabi ni Lt. Col. Ricky Bunayog, commander ng 33rd Infantry Battalion ng Army, na mananatili sila sa lugar upang hindi na ito muling makubkob ng mga armado.

Ayon kay Bunayog, isang sundalo at dalawang miyembro ng BIFF ang nasugatan sa bakbakan, na nagsimula noon pang Marso 1.

Aniya, 12 bangkay ang natagpuan ng militar sa lugar, bukod pa sa 20 bangkay na natagpuan nila sa clearing operations. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito