SANAA, Yemen (AP) — Nilusob ng mga armadong lalaki ang isang retirement home sa Yemen na pinangangasiwaan ng charity na ipinatayo ni Mother Teresa, at 16 na katao ang nasawi, kabilang ang apat na madre, ayon sa ulat ng mga opisyal at mga saksi.

Nagsimula ang pagpaslang nang palibutan ng dalawang gunman ang home for the elderly sa Aden. Makalipas ang ilang sandali, apat na gunman pa ang pumasok sa gusali at nagpanggap na nais bisitahin ang kanilang ina, sinabi ng charity, ng mga Yemeni security official, at ng mga saksi.

“On entering inside, (they) immediately shot dead the gatekeeper and started shooting randomly,” pagsasalaysay ni Vikas Swarup, tagapagsalita ng India’s External Affairs Ministry, idinagdag na mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pag-atake.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina