Laro ngayon

(Albay Astrodome)

5 n.h.

San Miguel Beer vs Meralco

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Itataya ng Meralco ang malinis na kartada sa pakikipagtuos sa reigning Philippine Cup champion San Miguel Beer sa pagdayo ng OPPO-PBA Commissioner’s Cup sa Albay Astrodome sa Legaspi City, Albay.

Nakatakda ang duwelo sa ganap na 5:00 ng hapon.

Walang makalapit sa tindi ng boltahe ng Bolts na umabante na may 5-0 karta, habang ang Beermen (2-1) ay maghahangad ng kanilang ikatlong sunod na tagumpay matapos mabigo sa unang laban.

Sa pagkakataong ito, muling papapel na “streak buster” ang Beermen kasunod ng ginawa nilang pagputol sa magandang panimula ng Bolts noong nakaraang season.

“I think we’re also the team that beat them first last year when we played in Cagayan,” pahayag ni San Miguel coach Leo Austria.

Tatangkain ng Beermen na madala ang momentum ng kanilang ipinosteng back-to-back win sa pagsabak kontra Bolts.

“I hope that this will motivate us going against Meralco,” ani Austria. “We all knew that Meralco is team to beat and I hope that we play better.”

Muli nilang sasandigan si Tyler Wilkerson na nagtala ng 52 at 35 puntos sa nakaraang dalawang laro laban sa Globalport at Blackwater.

Para sa Bolts, magandang pundasyon ang kanilang ratsada sa unang bahagi ng elimination round.

Muli nilang aasahan ang import na si Anize Onuaku, gayundin ang tulong ng local players na sina Jared Dillinegr, Gary David, Chris Newsome, Reynel Hugnatan at Baser Amer,

“Moving up 5-0 will help us down the line if we’re gonna stumble,” ani Black. “My benchplayers are growing up very quickly. Our bench has ben doing a good job.” (MARIVIC AWITAN)