Aasahan na ng motorista ang napipintong oil price hike na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa sa susunod na linggo.
Ayon sa taya ng energy sources, posibleng tumaas ng 50 sentimos hanggang 75 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina, diesel at kerosene sa mga gasolinahan na malimit ipatupad sa araw ng Martes.
Ang nagbabadyang dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagtaas ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Noong Marso 1, nagtaas ang oil companies ng 20 sentimos sa presyo ng gasolina kasabay ng 15 sentimos na tapyas sa kerosene habang bumaba ng 10 sentimos ang diesel.
Pinapayuhan ang mga motorista na maagang pakargahan ng diesel o gasolina ang kanilang mga sasakyan upang makatipid bago ang inaasahang oil price hike.
Unang inihayag ng Department of Energy na nais ng kagawaran na mag-imbak ng petrolyo, partikular ng gasolina at diesel na malimit gamitin ng consumers hanggang mababa pa umano ang contract price nito sa pandaigdigang merkado.
(Bella Gamotea)