Hiniling ng Organization of Islamic Cooperation (OIC) sa mamamayang Bangsamoro na magkaisa kahit hindi maipasa ang Bangsamoro Basic Law.

“The Secretary General [of the OIC] urged the Bangsamoro people to unify, consolidate and converge together towards the advancement of the peace process and the final resolution of the conflict in Mindanao,” pahayag ni Iyad Ameed Madani, Secretary General, matapos makipagpulong kay Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairperson Al Haj Murad Ebrahim nitong Marso 3 sa Jeddah, Saudi Arabia.

Binigyang diin ni Madani na kailangang itaguyod pa rin ng MILF at ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang Bangsamoro Coordinating Forum upang manatiling matatag ang paninindigan na mapagkaisa ang mamamayan sa Mindanao nang hindi masayang ang mga pinaghirapan, gaya ng usapang pangkapayapaan, hanggang sa tuluyang makamit ang kaayusan at kapayapaan sa rehiyon.

“In spite of the great disappointment, the MILF would continue to uphold the peace process, and would continue to call on the Bangsamoro people to remain patient and to rally behind the full implementation of the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro,” payo ni Madani.

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

Nanawagan din ang OIC Secretary General sa pandaigdigang komunidad, partikular na sa mga sangkot sa prosesong pangkapayapaan, na ipursige ang BBL hanggang sa susunod na administrasyon.

“A failure of peace process could adversely affect the good relation existing between the Philippines and the Muslim world,” diin ni Madani. (Mac Cabreros)