NALUNGKOT kami nang makarating sa amin ang balitang ito dahil hindi namin ini-expect na kaya itong gawin ng singer/actress na kilalang masunuring anak sa magulang.

Hindi muna namin papangalanan ang singer/actress na tiyak na gulung-gulo pa ang isip sa kasalukuyan dahil lumayas siya sa bahay nila na labis na ikinabigla ng kanyang magulang.

Usapan ngayon ng mga taong malalapit sa singer/actress at sa boyfriend niyang taga-showbiz din kung ano na ang mangyayari sa career ngayon ng dalaga na hindi na sinisipot ang kanyang commitments.

Ayon sa aming source, ilang beses na siyang tinatawagan para sa isang show pero lagi raw siyang busy at walang time na ipinagtataka ng taga-production dahil wala naman siyang ibang show na pinagkakaabalahan.

Bruno Mars, napansin kalokalike niya sa 'It's Showtime'

Ayon pa sa source, magko-commit pero biglang magka-cancel kaya naloloka ang production.

Hindi napagkikita ang singer/actress ngayon at hindi rin lumalabas ng bahay na tinutuluyan o pinakititirahan, marahil ay ayaw niyang malaman ng magulang niya kung nasaan siya.

Nalaman din namin mula naman sa loyalistang supporters ng singer/actress na galit na galit ang magulang niya at talagang kinakausap na ang network tungkol sa problema sa anak.

Nabanggit din na pinayuhan nga raw ang magulang ng isang network executive na hayaan na ang singer/actress dahil nasa wastong gulang na ito at alam na nito ang kanyang ginagawa.

Ang tanong ng lahat ng nakakaalam sa paglalayas ng singer/actress, nasaan na siya ngayon? Kanino siya nakikituloy o nakatira, dahil wala naman kaming alam na may nabili siyang condo o bahay in case maisipan na niyang magsarili.

Oo nga, hindi nga niya nahahawakan ang kinikita niya kaya paano siya makakabili ng sariling condo unit o bahay?

Hmmm, hindi kaya sa bahay ng kanyang boyfriend siya nakikitira? Payag naman kaya ang magulang ng boyfriend niya na naroon ang girlfriend ng anak?

Anyway, umaasa kami na maayos na ang problema ng singer/actress at ng magulang niya. (REGGEE BONOAN)