Sa layuning mapalakas ang relasyon ng Pilipinas at Taiwan, sinimulan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) at ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Taiwan ang proyektong “green diplomacy” na bahagi ng programa ng Department of Labor and Employment (DoLE), ayon kay Secretary Rosalinda Baldoz.
Sinabi ni Baldoz na ang “green diplomacy” approach ay higit na magpapalalim sa relasyon ng Pilipinas at Taiwan “and will likewise enrich our goodwill for Taiwan’s continued hosting of a significant number of OFWs in its soil.”
Pinangunahan ng MECO-Labor Affairs Office sa Taiwan, kasama ang 130 overseas Filipino workers (OFWs) na nakabase sa Kaohsiung at Taichung, ang pagtatanim ng 800 “friendship tree” sa Sunlight Xiaolin Village sa Kaohsiung City.
Ang makasaysayang aktibidad ay sinaksihan ng mga kinatawan mula sa Taiwanese government at pribadong sektor.
(Mina Navarro)