BORACAY ISLAND – Isang 66-anyos na German ang aksidenteng nasawi matapos takasan ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) at mga pulis na aaresto sa kanya sa Boracay Island sa Malay, Aklan.

Kinilala ng pulisya ang dayuhan na si Dr. Rodulf Wilhelm Stolz.

Batay sa imbestigasyon, nagtungo si Rodrigo Oamil, operatiba ng BI, kasama ang ilang pulis sa bahay ni Stolz sa Barangay Manoc-Manoc nitong Huwebes, para isilbi ang deportation order laban sa dayuhan.

Gayunman, pinaputukan ni Stolz si Oamil bago siya tumakas, na agad hinabol ng mga pulis.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa pagsisikap na tuluyang matakasan ang mga pulis, tumalon si Stolz sa bangin. Kalaunan, natagpuan siyang walang buhay sa ibaba ng bangin, malapit sa madudulas na bato.

Ayon sa BI, si Stolz ay itinuturing na undesirable alien at matagal nang inirereklamo ng ilang Pilipino.

Samantala, nagpapagaling na si Oamil sa tinamo niyang tama ng bala ng baril. (Jun Aguirre)