VIGAN CITY, Ilocos Sur – Pinatawad na ng Simbahan si Davao City Mayor at PDP-Laban standard bearer Rodrigo Duterte sa kanyang pagmumura kay Pope Francis bunsod umano ng matinding trapiko na idinulot ng pagbisita ng leader ng mga Katoliko sa bansa noong Enero 2015.

Dahil sa kanyang ipinamalas na pagpapakumbaba at pagsisisi sa kanyang binitawang maaanghang na salita, sinabi ni Monsignor Vicente Avila ng Metropolitan Cathedral sa siyudad na ito, na naiintindihan ng Simbahan kung bakit nag-alburoto si Duterte laban sa Santo Papa.

“I told him that is already a thing of the past. Everybody is forgiven,” ayon kay Avila, na tumayong kinatawan ni Archbishop Marlo Mendoza Peralta sa pagsalubong kay Duterte.

Kasama ni Duterte si Taguig City Mayor Lani Cayetano, asawa ng katambal ng alkalde na si Sen. Alan Peter Cayetano, nang bumisita sa Ilocos Sur at nakipagpulong sa mga lokal na opisyal, sa pamumuno nina Gov. Ryan Luis Singson at Vigan City Mayor Eva Marie Singson-Medina.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“I am Rodrigo Duterte. I am asking for forgiveness now for taking the name of the Pope in vain,” pahayag ng presidential candidate kay Avila.

Dahil dito, pinakiusapan ni Avila si Duterte na pamunuan ang dasal bago ang kanilang pagpupulong na agad niyang tinanggap.

“Those words that the mayor uttered were part of his nature. He says bad words and maybe he did not mean harm by saying it, he just mentions them as his way of talking,” ayon sa pari. (Ben Rosario)