Isang mataas na opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kinasuhan sa Sandiganbayan dahil sa umano’y seksuwal na pang-aabuso sa isang kapwa niya lalaki na bagitong empleyado sa kagawaran.

Nagsampa ng kaso ang Office of the Ombudsman laban kay DSWD Field Office VIII Assistant Regional Director Jaime Eclavea, sa paglabag sa RA 7877 (Anti-Sexual Harassment Act of 1995).

Kinasuhan ng Ombudsman si Eclavea dahil sa paggamit umano sa kanyang posisyon upang abusuhin ang lalaking complainant noong 2011.

Ayon sa records, ang biktima ay encoder sa National Housing Targetting System, isang programa ng DSWD, at nais na maitalaga bilang administrative assistant sa tanggapan ni Eclavea sa ilalim ng Kapit-bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS) program.

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

Ayon sa Ombudsman, sinabi ni Eclavea sa biktima na tatanggapin niya ito sa kanyang opisina kung sasamahan siya nitong matulog sa kanyang lodging house, at kung tatanggi ay nagbanta siyang hindi ito tatanggapin sa kanyang opisina.

Sa loob ng lodging house, sinabi ng Ombudsman na niyakap ni Eclavea ang biktima at hinipo sa dibdib, tiyan, at sa maselang bahagi ng katawan. (Jeffrey Damicog)