PARARANGALAN si Demi Lovato ng U.S. gay rights advocacy group sa pagiging boses ng gays, lesbians at transgender sa pamamagitan ng kanyang mga awitin, music video at media interview.

Ayon sa grupo, GLAAD, si Lovato, 23, ay tatanggap ng kanilang annual Vanguard Award, na iginagawad sa mga straight ang pagkatao na nagbigay ng malaking tulong sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at pagtanggap.

Ikinampanya ni Demi ang GLAAD laban sa bullying, at minsan na rin siyang gumanap bilang tomboy noong 2013 sa TV show na Glee, at umasang siya ay nakapagbigay ng inspirasyon sa mga tao na mahalin at tanggapin kung sino talaga sila.

“She is an extraordinary ally who is committed to helping young people embrace who they are and live the lives they love,” ayon kay GLAAD President Sarah Kate Ellis sa isang pahayag.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Igagawad kay Lovato ang Vanguard award sa isang seremonya sa Los Angeles sa Abril 2. Ang ilan sa mga ginawaran na ng nasabing award sina Elizabeth Taylor, Janet Jackson, Jennifer Lopez at Kristin Chenoweth. (Reuters)