CONCEPCION, Tarlac - Naglunsad ng malawakang pagtugis ang mga operatiba ng Concepcion Police para madakip ang isang binata na bigla na lang sinaksak sa likod ang isa niyang kabarangay sa Barangay Sta. Monica, Concepcion, Tarlac.

Kinilala ni PO2 Jose Dayrit Baluyut III ang biktima na si Rolly Tayag, 37, binata, habang ang pinaghahanap na suspek ay si Robin Padilla, 26, binata, kapwa residente ng nasabing barangay.

Napag-alaman na matagal nang may personal na alitan ang suspek at ang biktima hanggang sa makatiyempo si Padilla at sinaksak si Tayag, na kritikal sa ospital. (Leandro Alborote)
Probinsya

'Mass poisoning?' Tinatayang 20 alagang hayop sa Albay, hinihinalang nilason nang sabay-sabay