MADRID (AFP) – Sinabi ng Spanish police nitong Huwebes na nasamsam nila ang nasa 20,000 military uniforms, “enough to equip an entire army”, na nakalaan para sa mga grupong jihadist na kumikilos sa Syria at Iraq.

Natagpuan ang mga uniporme sa tatlong shipping container na nasamsam sa mga silangang daungan ng Valencia at Alicante nitong nakaraang buwan kasabay ng pagkakatuklas ng pulisya sa operasyon na magpuslit ng mga armas sa jihadists na ipinalabas na humanitarian aid.

“The containers which carried the military uniforms were declared as ‘second hand clothes’ so as to not raise suspicions and be able to pass different customs inspections without any difficulty,” saad sa pahayag ng pulisya.

“With the roughly 20,000 military uniforms and accessories, it would have been possible to equip an entire army which would be ready to enter into combat in any of the battlegrounds which jihadist terrorist organisations have round the world,” dagdag nito.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'