NEW DELHI (Reuters) – Magsasagawa ang India, United States at Japan ng naval exercises sa karagatan sa hilaga ng Pilipinas malapit sa South China Sea ngayong taon, ipinahayag ng U.S. military nitong Miyerkules, isang hakbang na maaaring magpatindi ng tensiyon sa China.

Inanunsiyo ito isang araw matapos magbabala ang United States sa China na magkakaroon ng konsikuwensya ang militarisasyon sa South China Sea, kung saan nakakairingan ng Beijing ang ilang bansa dahil sa agawan ng teritoryo.

Sinabi ni Admiral Harry B. Harris, pinuno ng U.S. Pacific Command, na gaganapin ang naval exercise sa hilaga ng Philippine Sea at makikibahagi ang Japan.

Ipinahayag niya sa security conference sa New Delhi, napakahalaga ng karapatan sa kalayaan sa karagatan para sa lahat ng bansa, kasabay ng pagpaparinig sa China.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“While some countries seek to bully smaller nations through intimidation and coercion, I note with admiration India’s example of peaceful resolution of disputes with your neighbors in the waters of the Indian Ocean,” wika ni Harris.