john lloyd at piolo LANG_PLEASE CROP copy

HUMARAP sa media sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz nitong nakaraang Martes sa thanksgiving dinner sa ABS-CBN para sa tagumpay ng kanilang indie film na Hele Sa Hiwagang Hapis na nag-uwi ng Silver Bear Award mula sa katatapos na Berlin International Film Festival. ‘Yun nga lang, nabahiran ng lungkot ang salu-salo dahil sa pagyao ng box office director na si Wenn Deramas noong umaga ng Lunes.

“Hindi ko nga masimulan isipin kasi parang malaki ‘yung nawala. Malaki ‘yung nawala sa industriya, malaki ‘yung nawala sa amin, malaki ‘yung nawala sa tao. Kasi napakalaki ng papel ni Direk Wenn sa pagbibigay ng ligaya sa napakaraming tao. ‘Yung grupo nila, ‘yung team nila na every year ilang pelikula nagagawa, I can’t even begin, sobrang devastating,” paglalahad ni John Lloyd ng kanyang saloobin.

Mas ininda rin ni Piolo ang pagpanaw ni Direk Wenn na itinuturing niyang longtime friend.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“I was devastated. My first taste of teatro I was with Direk Wenn already in UST. We’re guild-mates and we’ve known each other for more than twenty years, so masakit kasi hindi lang sa ABS-CBN ko siya kapamilya kundi sa teatro.

We’re a family. I’ve done shows with him, ‘yung soap namin ni Claudine (Barretto) na Walang Kapalit, he directed it, Buttercup, and ang dami kong cameo sa mga pelikula niya. He’s taught me a lot. He really was a mentor to many of us here in ABS-CBN,” pahayag ni Piolo.

“Definitely, of course, I’ll be with my Teatro Tomasino friends. As much as it’s a reunion, it’s a sad reunion, pero of course prayers all around for Direk Wenn,” ani Piolo nang tanungin kung pupunta siya sa burol ni Direk Wenn.

Bagamat mas maraming pinagsamahang project sina Piolo at Direk Wenn, ani John Lloyd, napakalaki ng respeto niya sa box office director, higit pa sa kanilang pagkakaibigan. 

“I wouldn’t say na sobrang close namin per se pero ‘yung nararamdaman ko goes beyond that. Hindi lang dahil close kayo ng tao, dahil sa alam mo ‘yung naging papel niya sa industriya na hanggang ngayon, na kahit sabihin natin na palaki nang palaki ang market, palaki rin nang palaki ang problema ng industriya. And si Direk Wenn hindi siya nagpapabaya sa contribution niya sa industriyang ito. We need more people like him. Hindi sila dapat nawawala,” pahayag pa ni Lloyd. (ADOR SALUTA)