Anim na miyembro ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang makikipag-agawan para sa apat na silyang nakalaan sa Rio Olympics sa pagsipa ng Asian Olympic qualifying sa Abril 16 -17, sa Marriot Hotel Grand Ballroom sa Pasay City.

Nakapasa ang anim na jins sa kanilang kategorya para sa tsansa ng Pilipinas na madagdagan pa ang pambansang atleta na makalalaro sa Rio de Janeiro Olympics sa Brazil, sa Agosto 5-20.

Ang anim na jin ay sina Francis Aaron Agojo na sasabak sa -58kg, si Samuel Morrison sa -80kg at si Kristopher Uy sa +80kg sa kalalakihan, habang sa kababaihan ay sina Kirstie Lorraine Allora sa -57kg, Pauline Louise Lopez sa -57kg at si Edita Ilao sa -49kg.

Ngunit, kailangan bawasan ng PTA ang lahok batay na rin sa ipinapatupad na kautusan ng International Federation na limitado lamang ang bawat bansa na sumali sa dalawang dibisyon sa lalaki at babae sa Asian qualifying tournament.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Matatandaan na sina Morrison at Lopez ay nagawang makapagwagi ng gintong medalya noong 2015 SEA Games. (ANGIE OREDO)