Huli man daw ang magaling, insentibo pa rin.

Nakamit ng mga atletang may kapansanan ang matagal nang nakabimbin na cash incentives matapos ang kanilang pagwawagi sa 8th ASEAN Para Games noong Disyembre.

Batay sa naamyendahan at naisabatas na Republic Act 10699 o Act Expanding the Coverage of Incentives Granted to National Athletes and Coaches, natanggap na rin sa wakas ng mga atletang nasa pangangasiwa ng Philippine Sports Association for Disabled Athletes ang kanilang premyo.

Pinangasiwaan ni Senator Sonny Angara, chairman ng Senate committee on games, amusement and sports, kasama si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia ang pamamahagi ng mga tseke sa mga atleta, kamakailan sa Philsports Arena sa Pasig City.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“It’s high time we properly recognize the triumphs of our outstanding differently-abled athletes who have been heaping medals and bringing pride and honour to the country,” sambit ni Angara, may akda at nagsulong ng RA 10699.

“This is truly a memorable occasion as this is the first batch of national para-athletes who will be receiving bigger, well-deserved incentives under the new athletes incentives law which we - all the stakeholders and our colleagues in the Senate and the House of Representatives, namely Cong. Albert Del Rosario, Cong. Wes Gatchalian, and Cong. Yeng Guiao - worked hard to pass,” aniya.

Ipinaabot naman ni Mike Barredo, pangulo ng PSADA, ang pasasalamat sa mga taong sumuporta sa adhikain na mapaangat at kilalanin ang nagawa ng mga may kapansanan na atleta.

Nagwagi ng kabuuang 59 medalya; 16 ginto, 17 silver at 26 bronze – ang Pilipinas sa Para Games.

May kabuuang P6.8 milyon ang ipinamigay na insentibo ng PSC kung saan tumanggap ng P150,000 ang gold medal winner, P75,000 ang silver medallist at P30,000 sa nagwagi ng bronze medal.