Inatasan ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) na bigyan ng ayuda ang pamilya ng isang overseas Filipino worker (OFW) na nagpatiwakal sa Saudi Arabia nitong Lunes.

“The deceased is an active OWWA member. As such, his family shall be entitled to a P200,000 death insurance, or P100,000 if the cause of death is self-inflicted; and P20,000 burial assistance. His dependents can also avail of OWWA scholarships and family members may also avail of OWWA livelihood assistance,” saad sa pahayag ni Baldoz.

Bagamat hindi tinukoy ang pagkakakilanlan, sinabi ni Baldoz na ang nagpatiwakal na OFW ay isang welder na nagtatrabaho sa Saudi Oger, Ltd. (SOL).

Iginiit din ng kalihim na nakikipag-ugnayan na rin ang OWWA sa Embahada ng Pilipinas sa Saudi para sa pag-uuwi sa labi ng OFW sa Pilipinas at matiyak na babayaran ng SOL ang benepisyo ng biktima.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon sa ulat, natagpuang patay ang OFW sa isang talyer malapit sa kanyang pansamantalang tirahan sa Riyadh, Saudi Arabia, nitong Pebrero 29.

Bagamat sinabi ng kanyang mga kasamahan sa trabaho na nagpatiwakal ang Pinoy, nag-imbestiga pa rin ang Saudi authorities upang matiyak na walang foul play sa insidente.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng Migrante Party-list na lumitaw sa ulat na “naburyong” ang Pinoy dahil hindi na siya sumasahod sa SOL sa nakalipas na limang buwan. (Samuel P. Medenilla)