Naniniwala si Anti-Crime and Terrorism-Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-list Rep. Samuel Pagdilao na panahon na upang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

“I have advocated for the re-imposition of death penalty, as far as foreign drug traffickers are concerned,” pahayag ni Pagdilao sa kanyang pagharap kahapon sa “Hot Seat” candidates’ forum ng Manila Bulletin sa Intramuros, Manila.

“For the meantime, as a first measure for the re-introduction of death penalty, it would have to be against foreigners who bring in or traffic drugs in into our country.”

Ngayo’y tumatakbo sa pagkasenador sa eleksiyon sa Mayo 9, itinuring ni Pagdilao ang problema sa droga bilang “public enemy number one.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

At dahil umano’y walang ngipin ang batas sa Pilipinas, maging ang foreign drug traffickers ay dumadagsa sa bansa para sa kanilang ilegal na operasyon at sa halip na mabulok sa kulungan kapag nasentensiyahan ay idine-deport lang pabalik sa kanilang bansa.

Aniya, ito ay pag-abuso sa “hospitality” ng mga Pinoy at dapat nang tuldukan upang maproteksiyunan ang kabataan laban sa ilegal na droga.

“It used to be that we are a transshipment point, because drugs get somewhere else. So [drugs] pass here, either [they’re] packaged here or they are manufactured here,” giit ng retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP). (Monch Mikko E. Misagal)