Nahaharap ngayon sa kasong tax evasion sa Department of Justice (DoJ) ang isang importer ng luxury sport utility vehicle (SUV), na inangkat mula sa Middle East, at nagkakahalaga ng P828 milyon.

Ang reklamo ay inihain ni BIR Commissioner Kim S. Jacinto Henares laban kay Jonanie Ronato Publico, may-ari ng Adelc Trading sa MTR Building, Chino Roces Avenue, Makati City.

Base sa impormasyon ng Bureau of Customs, inangkat umano ni Publico ang mga mamahaling sasakyan mula sa United Arab Emirates na nagkakahalaga ng P828 milyon noong 2012 at 2013.

Ayon kay Henares, lumitaw sa record sa sangay ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Makati City na hindi naghain ng income tax return at hindi nagbayad ng value-added tax at percentage tax ang naturang importer.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bigo namang tukuyin ng BIR ang modelo ng sasakyan na inangkat ni Publico.

Sinabi ng opisyal na dalawang taon na hindi rin nagdeklara ng source of income si Publico.

“Evidently, in the absence of any declared source of the expenses he incurred in his importations, the said amount constituted unreported income of Publico and must be subjected to income tax,” dagdag ni Henares. (Jun Ramirez)