Ipinaalala ng Department of Health (DoH) na epektibo na kahapon ang Graphic Health Warning Law at obligado na ang mga kumpanya ng sigarilyo na maglagay ng mga larawan na nagpapakita ng masamang epekto sa kalusugan ng paninigarilyo sa bawat pakete ng kanilang produkto.
Ayon kay DOH Secretary Janette Garin, pinayagan nila ang mga kumpanya ng tabako na ipaubos ang mga lumang supply ng sigarilyo na wala pang graphic health warning sa mga pakete, ngunit ang lahat ng bagong supply ay dapat na mayroon nang mga larawan.
Binigyan ng DoH ang mga kumpanya ng sigarilyo ng walong buwan o hanggang sa Nobyembre 3 ngayong taon para tiyaking lahat ng kanilang produkto na walang picture-based warning ay aalisin na sa merkado. (MARY ANN SANTIAGO)