Ipinasa ng Kamara ang panukalang nagdedeklara sa Filipino Sign Language (FSL) bilang national sign language ng mga Pilipino na may kapansanan sa pandinig.

Ito ang magiging opisyal na lengguwahe ng gobyerno sa lahat ng transaksiyon na may kinalaman sa mga bingi. Obligado rin itong gamitin sa lahat ng pampublikong paaralan, broadcast media, at mga opisina.

Ang House Bill 6428 ay ipinalit sa HB 450 na inakda ni Rep. Antonio L. Tinio (Party-list, ACT Teachers). Itinaguyod ito sa plenaryo ng Committee on Appropriations na pinamumunuan ni Rep. Isidro T. Ungab (3rd District, Davao City) at ng Committee on Social Services ni Rep. Arturo B. Robes (Lone District, San Jose del Monte City).

Ayon kay Tinio, layunin ng panukala na kilalanin ang mga karapatan ng mga Pilipinong may kapansanan sa pandinig para sa kanilang kumpleto at pantay na partisipasyon sa lipunan. (Bert de Guzman)
Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?