Dumulog sa pulisya ang isang 18-anyos na apat na buwang buntis upang ireklamo ng panggagahasa ang walong lalaki na halinhinang umanong humalay sa kanya sa Jaro, Leyte.

Ayon kay Senior Insp. Cesar Navarrete, hepe ng Jaro Municipal Police, kasong kidnapping with rape ang kakaharapin ng mga suspek.

Sinabi ni Navarrete na pinaghahanap na ang walong suspek para papanagutin sa krimen.

Sa pahayag ng biktima, dakong 8:00 ng umaga noong Pebrero 28, naglalakad siya nang bigla siyang hintuan ng isang van.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Bumaba ang anim na lalaki, pinaamoy umano siya ng pampatulog at isinakay sa van.

Sinabi ng biktima na nagising siya sa loob ng isang mistulang bodega, walang saplot, at namamanhid ang buong katawan.

Ayon pa sa biktima, nag-iinuman ang mga suspek nang tumakas siya at humingi ng tulong sa isang matanda para madala siya sa Baybay District Hospital.

Makaraan ang tatlong araw na pagkakaospital, dumulog sa pulisya ang biktima upang ireklamo ang mga suspek na dumukot at halinhinang humalay sa kanya. (FER TABOY)