p03kskpd copy

Nagsimulang mangati si JR Traver noong siya ay 40 taong gulang, at nagpatuloy ang kanyang pangangati at pagkamot hanggang siya ay pumanaw pagkaraan ng 40 taon.

Ang kalagayan ni Traver katulad ng ibang tao na nakararanas ng delusory parasitosis o mas kilala sa tawag na Ekbom’s syndromea, ay hindi pangkaraniwan.

Sa unang tingin, ang pangangati at pananakit ay tila magkaugnay.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ang depinisyon nito ay patuloy na ginagamit ng mga doktor at researcher simula noong 350 taon na ang nakalilipas nang mula sa kahulugang ibinigay ng German physician na si Samuel Hafenreffer. Aniya, ang pangangati ay “unpleasant sensation that elicits the desire or reflex to scratch”. At kapag ito ay iyong kinamot, ang nararanasang sarap ay nagbibigay kahulugan ng pangangati.

Sa unang tingin, ang pangangati at pananakit ay tila magkaugnay. Ang ating balat ay binubuo ng ugat na kung tawagin ay “nociceptors”, na siyang nagpapadala ng impormasyon sa spinal cord at utak tungkol sa kalagayan ng stimuli na nanganganib nang masira.

Ito ay ayon sa “intensity theory”. Ngunit mayroon itong alternative, ang “specificity theory”, na nagsasabing ang ibang neurons ay responsable sa pananakit, habang ang iba naman ay sa pangangati, na mas kilala bilang “pruritus”.

Hindi nakakasawang pangangati

May iba’t ibang uri ng pangangati, una at pinakakaraniwan ang acute itch na dulot ng kagat ng insekto. Mayroon ding mas malubha, ang pathological type of itchy na maiuugnay sa tuyong balat, eczema, psoriasis, o iba pang skin disease. Ang brain tumours, multiple sclerosis, chronic liver disease, lymphoma, Aids, at hyperthyroidism ay naiugnay na rin sa chronic itch.

At mayroon ding psychological at cognitive factors, ngunit hindi kasing-tindi ng delusory parasitosis. Ang hindi mapigilang pangangati ay maaaring senyales ng obsessive-compulsive disorder; sa ganitong mga kaso, ang walang-tigil na pagkamot ay maaaring mauwi sa pagsusugat.

Dapat ikonsidera ang mga sumusunod: Hindi matutumbasan ng pagkamot ang sakit ng sugat na maidudulot nito. Ayon sa Journal of Investigative Dermatology ng Washington University School of Medicine neurophysiologist na si George Bishop, “scratching an itch with a violence that would cause pain elsewhere may be experienced as one of the most exquisite pleasures”. At ang sugat na resulta ng iyong pagkamot ay maaaring maging sanhi ng chronic itching-related disease.

Ayon nga kay Ogden Nash, American poet, “Happiness is having a scratch for every itch”. (BBC News)